Alamat ng Bundok Pinatubo
(Alamat ng Luzon)
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga.
Maningning ang sikat ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman
sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang
kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan
sa lahat ng namamalas.
Malungkot na nakapanungaw ang Datu. Nakatuon
ang ma paningin sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga
labi. Nagbuntong-hininga siya ng malalim.
“Malungkot na naman kayo, mahal na Datu,”
narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni
Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa “Konseho ng Matanda.”
“Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang
Limay. Naalaala ko ang aking kabataan,” at nagbuntung-hininga muli. Humawak
siya sa palababahan ng bintana.
“Nakita mo ba ang bundok na iyon?” nagtaas ng
paningin ang Datu.
“Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman
niyon sa inyong kalungkutan?” tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng
“Matatanda” ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang
naatasang magsiyasat tungkol dito.
Doon ako sa mga bundok na iyon laging
nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at
usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.
“Opo. Kayo, mahal na Datu, ang kinikilalang
pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian
sa pangangaso,” sang-ayon ni Tandang Limay.
“Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang
gustong-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na
upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para
sa mahina kong katawan,” at muling nagbuntung-hininga ang Datu.
“Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay
nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan,” pasimula
ni Tandang Limay.
“Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso.
Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan,”
malungkot na umiling ang Datu.
Naging usap-usapan sa buong kaharian ang
suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno
ng Masinlok.
Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo
ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang
paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit
malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.
Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.
“May magandang panukala ako tungkol sa inyong
suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu”, saad ng salamangkero.
“Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong
kapaguran,” turing ng Datu.
“Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan
ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal
lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya,” pahayag ng panauhin.
“Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay
ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak,” mabilis na pasiya ng Datu.
Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay
ang salamangkero. Ito’y parang isang batong mutya.
Itinanim niya itong tila isang binhin ng
halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno.
Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok.
“Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo
sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?” paksa ng usapan ng mga tao.
Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang
ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na
tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa
namang kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon
siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na
itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero.
“Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa
iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang
araw,” saad ng Datu sa salamangkero.
Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda.
Galit na galit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa
usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si
Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang
palaki ang bundok. Ito’y kanyang nakaligtaan.
“Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng
bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa
tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao,” sumbong ng matatanda sa
Datu.
“Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan
siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya,”
mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.
Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin
sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong
ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha
ang suliranin.
Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian.
Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa
taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok.
Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe.
“Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal
na Datu,” magalang na badya niya.
“Nakalaan akong magbigay ng kaukulang
gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang
suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan,” pahayag ng Datu.
Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking
Datu. Tayo na sa labas.
Si Alindaya na noo’y magaling na ay naganyak
sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang
pitlag ng puso ng dalaga.
Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali
nilang sinapit ang paanan ng bundok.
Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang
bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang
iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat
ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis
ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.
Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa
gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa
palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang
para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.
Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang
prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa
magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang
palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.
Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu.
Siya’y tahimik na nakatungo.
“Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal
na prinsipe”, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang
prinsesa nama’y nag-ukol ng matamis na ngiti.
Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas
sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe.
“May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?” tanong
ng hari upang basagin ang katahimikan.
“Hinihingi ko ang inyong pahintulot na
makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu”, ang hiling ng prinsipe.
“Higit pa sa riyan ang maibibigay ko”,
sang-ayon ng Datu.
Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang
marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang
kaharian sa loob ng anim na araw.
Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot
sa bundok ay napuno ng tubig ito’y naging isang lawa.
Naging maganda at matulain ang lawang ito na
tinawag ng mga tao na Lawa ni Alindaya sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng
prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na
Pinatubo.
Alamat ng Bundok Pinatubo
(Alamat ng Luzon)
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.

No comments:
Post a Comment